Pahayag sa Measles outbreak
Measles_outbreak.jpg

Malinaw na ang outbreak ng measles o tigdas sa Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, NCR, at Bicol Region ay direktang resulta ng patuloy na pananakot ng ilan sa pamahalaan pagdating sa pagbabakuna. 

Kaya hindi makatarungan na nagdudusa at nasa panganib ngayon ang mga kababayan natin sa mga rehiyong ito, lalo na dahil ang tigdas ay naiiwasan naman sa tamang bakuna. 

Nananawagan tayo sa sa mga magulang na agad dalhin sa mga health center ang kanilang mga anak sa unang sintomas ng sakit. At, mas mahalaga, nananawagan din tayo sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa tigdas. Masusi din nating binabantayan ang tugon ng pamahalaan sa krisis na ito.

Sinabi na natin noon na ito ang nangyayari kapag baluktot ang sistema ng hustisya. Ito ang nangyayari kapag panay shortcut tayo at ang hustisya ay pinapalitan natin ng tsismis at haka-haka. At ito ang gusto nating ayusin. 

Dapat may managot sa trahedyang ito na maaari naman pala nating maiwasan. Dapat, pag may sala, may parusa.

CJ VillaStatements
iTam Halalan Senatorial Forum 2019 sa FEU - Institute of Technology

Maraming salamat sa FEU Institute of Technology at sa lahat ng mga estudyante at bisita sa iTam Halalan Senatorial Forum 2019 kanina! Natutuwa akong maimbitahan at maibahagi ang mga paniniwala at paninindigan ko tungkol sa mga importanteng isyu sa ating bansa ngayon. Mahirap ang laban natin, pero kapag nakikita ko ang kabataan gaya nyo na talagang pinag-aaralang mabuti ang mga kandidato para siguradong tama ang boto, ako ay nabubuhayan ng loob. Kayo ang inspirasyon ko!

CJ Villa
Atty. Chel Diokno sa pahayan ni Salvador Panelo na magpasalamat sa Tsina sa pagpapatayo ng facility sa WPS
51016017_1143488742487803_3010091536927948800_o.jpg

Sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, the Philippines “maybe should be thankful” na may itinayo na namang facility ang China sa West Philippine Sea. 

No, Mr. Panelo, Filipinos will be thankful kapag mayroon na tayong mga pinuno sa gobyerno na hindi ibinebenta ang sarili nating teritoryo.

Ang Kagitingan Reef ay bahagi ng ating teritoryo. Kung ang gobyerno mismo ay hindi magsasalita laban dito, para na rin itong pag-amin na hindi atin ito at ayon sa international law, baka puntos pa iyon sa pag-angkin ng Tsina sa teritoryo natin. Kung hindi kikilos ang Pilipinas dito, sino ang kikilos? 

Hindi makatarungang mismong ang ating pamahalaan pa ang nagsusuko ng ating sariling teritoryo sa ibang bansa, ngayong sila pa nga ang dapat na unang-unang nagtatanggol dito. 

At dagdag na insulto pa kung sa mga susunod na araw ay babawi na naman itong si Mr. Panelo at sasabihing joke lang ito. 

Kailangang pormal na iprotesta ng gobyerno itong ginawa ng Tsina. 

At kailangang ipaalam ng mga Pilipino sa ating mga pinuno: the Philippines is not for sale.

CJ Villa
Pahayag tungkol sa vaccination scare
51516241_1142761255893885_1368049664774897664_o.jpg

Bawat Pilipino ay may karapatan sa ligtas at malusog na buhay, at hindi nakakatulong ang patuloy at iresponsable na pananakot ng ilan lalo na dahil sa matinding pagbaba sa dami ng batang tumatanggap ng bakuna. 

Ang karapatan sa kalusugan ay isa sa mga pangunahing karapatang pantao, at trabaho ng gobyerno na bantayan ang karapatang ito. Hindi makatarungang nailalagay sa panganib ang buhay at kalusugan ng milyon-milyong Pilipino para sa kung ano mang dahilan. 

Naiintindihan natin iyong takot ng ilang mga magulang, pero nagpapaalala rin tayong mayroong mga subok na bakunang bahagi na ng regular immunization program ng pamahalaan, at kailangan ang mga ito para masiguro ang kalusugan ng ating mga anak.

Ito ang nangyayari kapag baluktot ang sistema ng hustisya. Ito ang nangyayari kapag panay shortcut at dinadaan na lang sa tsismis ang katarungan. At ito ang gusto nating ayusin. Dapat, pag may sala, may parusa.

CJ VillaStatements
Pahayag sa tawag ng Ombudsman na ibalik ni Bong Revilla ang ₱124M
51429195_1142854662551211_4714105028338515968_o.jpg

Nakikiisa tayo sa tawag ng Ombudsman: kailangang ibalik ni former Senator Bong Revilla ang 124-milyong pisong konektado sa 517-milyong pork barrel na inabuso ng kanyang opisina. Sang-ayon tayong mayroon pa rin siyang civil liability na dapat harapin kaugnay nito. 

Acquitted na nga sa kabila ng malinaw na ebidensiya, ililibre pa ng bayan ng 124 milyong piso? Baluktot na baluktot na ang sistema ng hustisya sa bansa kung ganoon. 

Hindi ako papayag na basta mayaman nakakalusot sa batas. Dapat, pag may sala, may parusa. Dapat, ang pera ng bayan ay sa bayan napupunta, hindi sa bulsa ng sino man.

CJ VillaStatements
Pahayag sa pamomomba sa Jolo
50832883_1140884282748249_5514818169333612544_o.jpg

Tayo ay nakikiisa sa ating mga kababayan sa Jolo, lalo na sa pamilya ng 20 na nasawi at 81 na nasugatan sa magkasunod na pambobomba ngayong Linggo. 

Halos magdadalawang taon na mula nang naideklara ang Martial Law ngunit tuloy pa rin ang karahasan sa Mindanao. 

Ating pinaaalala sa administrasyong Duterte ang kanilang tungkulin na panatiliin ang kaligtasan sa rehiyon, lalo na sa panahon ngayon kung kailan nagdedesisyon ang ating mga kababayan sa nakahaing plebesito tungkol sa Bangsamoro Organic Law. 

Hindi kailanman sagot ang karahasan, kaya’t hiling natin ang pagpapairal ng batas at kaayusan. Tayo’y nag-aalay ng panalangin sa lahat ng biktima, at hangad natin ang hustisya para sa kanilang mga pamilya.

CJ Villa
Pahayag sa nakaambang pangatlong Martial Law extension
50414349_1137816619721682_5226667400400732160_o.jpg


"Sabi po nila ay yung martial law daw ay naging mapayapa ang Mindanao. Pero para sa mga lumad, pinapalayas sila sa kanilang mga komunidad at sa mga eskwelahan, sinusunog pa nga ang mga eskwelahan nila. Supposedly, dahil daw ay iyon ay mga NPA school. Pero pag hinanapan naman nila ng ebidensiya yon ay wala naman silang ipinapakita, basta ganon-ganon na lang na salita."

Sinamahan po natin sa Korte Suprema ang mga kapatid nating Lumad mula sa grupong Save our Schools Movement para mag-file ng petisyon laban sa nakaambang pangatlong Martial Law extension. Kaisa nila tayo sa kanilang panawagan para sa kapayapaan.

CJ Villa
Filing ng petisyon laban sa pangatlong Martial Law extension sa Mindanao

Hangad kong makamit na ng Mindanao ang inaasam na kaayusan, kaya sinamahan natin sa Korte Suprema ang mga kapatid nating Lumad mula sa grupong Save our Schools Movement para mag-file ng petisyon laban sa nakaambang pangatlong Martial Law extension. Kaisa nila tayo sa kanilang panawagan para sa kapayapaan.

CJ Villa
Pahayag sa Princeton University isyu ni Imee Marcos
50404269_1136598256510185_6604139063781883904_o.jpg

Paboritong libangan na ng pamilya Marcos ang historical revisionism. Pilit nilang binabago ang kasaysayan, tungkol man sa tunay na lagay ng bayan natin sa mapang-aping diktadurya, o sa degree man na hindi naman pala nakuha ni Imee Marcos sa Princeton University.

Princeton University na mismo ang nagsabing walang natapos na degree si Imee Marcos sa kanilang unibersidad. Wala namang masama kung hindi nya nakayang tapusin ang kurso, pero mali na magsinungaling pa tungkol dito. 

Hindi iyan makatarungan sa mga Pilipinong nagsisikap makapagtapos ng kolehiyo kahit kapos sa pera para lang magkaroon ng maayos na trabaho at mas maginhawang buhay. 

Para sa isang ordinaryong Pilipino nga, malamang automatic itong patatalsikin o hindi na tatanggapin sa trabaho kung gawin nya din ito. Kaya sana sa lahat ng mga kandidato na naga-apply naman bilang pinuno ng mga kababayan natin, sa Senado man o sa mga bayan, lagi nating sabihin ang totoo. 

Kung sa ganitong maliit na bagay ay patuloy na nagsisinungaling sa atin ang kandidatong Marcos, ano pa kaya ang maaasahan natin kung sakaling makapwesto siya? 

Patuloy ang mga kasinungalingan, pero naniniwala tayong hindi na yan uubra sa mga kababayan natin ngayon.

50304746_1136656833170994_2519844715424120832_o.jpg

Paboritong libangan na ng pamilya Marcos ang historical revisionism. Pilit nilang binabago ang kasaysayan, tungkol man sa tunay na lagay ng bayan natin sa mapang-aping diktadurya, o sa degree man na hindi naman pala nakuha ni Imee Marcos sa Princeton University.


Princeton University na mismo ang nagsabing walang natapos na degree si Imee Marcos sa kanilang unibersidad. Wala namang masama kung hindi nya nakayang tapusin ang kurso, pero mali na magsinungaling pa tungkol dito.


Hindi iyan makatarungan sa mga Pilipinong nagsisikap makapagtapos ng kolehiyo kahit kapos sa pera para lang magkaroon ng maayos na trabaho at mas maginhawang buhay. Para sa isang ordinaryong Pilipino nga, malamang automatic itong patatalsikin o hindi na tatanggapin sa trabaho kung gawin nya din ito. Kaya sana sa lahat ng mga kandidato na naga-apply naman bilang pinuno ng mga kababayan natin, sa Senado man o sa mga bayan, lagi nating sabihin ang totoo.


Kung sa ganitong maliit na bagay ay patuloy na nagsisinungaling sa atin ang kandidatong Marcos, ano pa kaya ang maaasahan natin kung sakaling makapwesto siya? Patuloy ang mga kasinungalingan, pero naniniwala tayong hindi na yan uubra sa mga kababayan natin ngayon.

CJ Villa
Pahayag sa pagbaba ng House Committee on Justice sa age of criminal responsibility

Ibababa na daw ng House Committee on Justice ang age of criminal responsibility. Mula sa 15 years old, at ibababa nila sa 9 years old. Ayaw ko niyan. Hindi ako papayag diyan. Tutol na tutol ako diyan. 

Alam ba ninyo yung kalagayan ng mga kulungan natin ngayon? 
Sa buong mundo, #1 tayo. #1 in congestion and overcrowding of jails. 605% ang ating congestion. Ibig sabihin niyan, ang isang detention facility na dapat 200 lang ang detenido, ay 2,000 pa umaabot ang mga detainees natin. 

Age of criminal responsibility, ang ibig sabihin niyan ay kapag i-set natin yan sa 9 years old, ang mga 9 year old ay tatratuhin nating kriminal. Yung mga 9 year old na gumagawa ng mga opensang ganyan, palagay ko ay hindi nila gusto ‘yon. It is out of necessity, o 'di kaya ay kinukuha sila ng mga sindikato. Kung kinukuha sila ng mga sindikato, dapat ang mga sindikato ang managot. Dapat sila ang bigyan natin ng malaking penalty. Hindi ang mga bata. 

Ang Pilipinas ay signatory sa U.N. Convention on the Rights of the Child. Klarong-klarong nakalagay doon, hindi pwedeng bumaba sa 12 years old ang age of criminal responsibility. Minimum ang 12 years old. In fact ang nakalagay doon ay kung pwede nga ay mas mataas pa sa 12 years old. Kaya nga natin inangat 'yan to 15 years old, that is consistent with international law. Kaya sana po ay, tulungan din niyo ako na labanan itong pagbababa sa age of criminal responsibility.

CJ Villa
Muling pagbisita sa Iloilo


Ating babalik-balikan ang probinsya ng Iloilo pagkat ramdam natin ang kanilang kagustuhang magkaroon ng isang payapang bansa na may patas na pamamalakad.

Nagsimula ang araw sa isang kapihan sa La Paz Market, pagkatapos ay nagtungo tayo sa isang forum na inorganisa ng Jaro Archdiocesan Social Action Center. Tayo rin ay nagmeryenda kasama ang iba’t ibang miyembro ng komunidad sa Seda Hotel, bago tayo lumahok sa isa nanamang forum tungkol sa batas at hustisya kasama ang mga susunod na abogado ng bayan.

Inyong maaasahan ang aking katapatan, di lamang sa inyo kundi sa batas at hustisyang ating pinaglalaban.

Maraming maraming salamat po sa inyong patuloy na pagsuporta, Iloilo!

CJ Villa
Statement on the link between rising prices and corruption:
50026210_1129436207226390_1492894614493855744_o.jpg

"Sobra ang pagtaas ng bilihin dahil yung mga opisyales nating dapat ay ginagawa yung kanilang tungkulin ay iba na ang inaayos nila. Ang ating pamahalaan ang dapat nagbabantay ng presyo ng bilihin. Yan kanilang obligasyon sa ating ordinaryong mamamayan."

CJ Villa
Isang Makatarungang Pasko!

Maligayang Pasko po sa inyong lahat! Ito po ang wish ko ngayong Pakso.

Ano ang Christmas wish mo? Mag-post po ngayon na may hashtag #WishKoKatarungan, at babasahin ko po ang ilan sa mga sagot sa susunod kong video.

CJ Villa