Isang makabuluhang pagbisita sa Iloilo

Isa nanamang makabuluhang pagbisita ang naganap nang ako ay inanyayahang pumunta sa Iloilo.

Nagsimula ang aking umaga kasama ng mga mamahayag sa isang interview at forum sa tulong ng ating mga kaibigan sa AKBAYAN. Pagdating ng tanghali, tayo ay nabiyayaan na makaharap si Archbishop Jose Lazo.

Nakilala din natin ang mga faculty at magaaral ng University of San Agustin. At noong hapon, nagtungo naman tayo sa Central Phil University kung saan nakasama natin ang mga law students at sina Atty. Zacarias Bedona, Jr., Dean of CPU Law, Atty. Von Lovel Bedona, Chairman of the Board of Trustees, Atty. Aila Endonila, University Legal Counsel, Ms. Louise Losanes, Governor of CPU Law, and Mr. Andre Eulalio, Chairman.

Sana’y kahit papano ay nakapag-bigay inspirasyon ako sa mga susunod na abogado ng bayan upang itaguyod ang batas at ipaglaban ang karapatang pantao.

Maraming salamat din kay Jo Villalon, Gin Pesayco-Nebit, Jane Homena, Boyet Areño, CPUR President JM Suelo, Ma'am Danette, Sir Wharson, at Maam Malu sa kanilang mainit na pagtanggap.

Abe Diokno