#TheFilipinoVotes: Atty. Chel Diokno on how to solve Metro Manila traffic

"Ang dapat mabigyan ng prayoridad ng ating pamahalaan ay yung mga sumasakay ng bus at jeep sa atin, hindi yung mga nakasakay sa mga magagarang kotse. 

Ang nagiging problema ngayon ay paggising natin nang maaga, papasok tayo ng ating trabaho. Gigising ng alas-kwatro, trabaho. Makakauwi na tayo alas-otso, alas-nwebe na ng gabi. Subsob na nga tayo sa trabaho, bugbog pa sa trapiko. Hindi naman dapat ganoon. 

In other countries, there are already thinking about establishing carless cities where we travel inside our cities by bicycle, on foot that provides clean air, that makes us healthier. 

Palagay ko, panahon na rin na pag-isipan natin yan dahil sobra-sobra ang mga sasakyan sa atin. Ang dala-dala pa nila ay polusyon, hindi naman maganda yon. 

We have to approach this from a different angle. We have to look at this as a problem of moving people, not moving vehicles."

Taken from the CNN Philippines’ #TheFilipinoVote: Senatorial Forum. You can watch the whole forum here.

CJ Villa