What changes to labor laws should be passed to end contractualization?

Matagal nang problema itong kontraktwalisasyon, hindi lang sa private sector, pati na rin sa gobyerno. Naalala ko, bago pa lang akong abogado noon, may lumapit sa akin na government employees. Ganoon na nga ang problema. They are treated as casuals, as contractuals, and yet they're serving the government for so long.

Tama lang na tapusin na itong isyu ng endo at kontraktwalisasyon. At hindi lang siya masama sa atin bilang isang ekonomiya kundi sa hustisya din. Yung isyu kasi ng kontraktwalisasyon ay there has to be a fine line drawn between legitimate outsourcing of what are considered non-core services and those that are used by companies simply to cut labor cost. And I hope that this law will address that issue as well.

Pero may isa pang bagay sa ating work force. Yung bagay ng gender discrimination. Yung nagiging problema sa ating kumpanya - hindi lang naman sa pribadong sektor pati sa pampublikong sektor - ng malaking pagkakaroon ng diskriminasyon, lalong-lalo na sa kababaihan at yung mga tinuturing nilang kakaiba, ay dapat ina-address po yan ng ating legislation.

Abe Diokno