Statement on the intimidation on Rappler, Maria Ressa
47228828_1103706726466005_6724693693359456256_n.jpg

The use of the strong arm of the law to go after Maria Ressa and Rappler is alarming but not surprising. From the time this administration took power, it has used every means, fair or foul, to go after those it perceives to be its enemies. The law, to them, is just another instrument to bludgeon and neutralize those who dare to speak the truth to power.

The tax evasion case against Rappler and Maria Ressa is the latest in a series of attempts to silence freedom of expression on the internet. Di na sila nakontento sa mga trolls, gusto pa nilang sakupin ang usapan sa cyberspace.

Para sa mga kabataan ngayon, naiisip niyo ba ang isang mundo kung saan kontrolado ng gobyerno ang inyong Facebook, Twitter at Instagram? Hindi ito naiiba sa ginagawa ng administrasyon kina Maria at Rappler.

We must remain vigilant. We cannot let this administration take away our right to free speech and to a free press.

- Atty. Chel Diokno

Abe Diokno
CNN Senatorial Forum kasama ang Team Diokno!
47371621_1103407219829289_2691134956150718464_o.jpg

Maraming salamat po sa mga sumama sa akin sa CNN Senatorial Forum, sa EveryWoman, sa mga nanood, at sa mga nag-post sa social media! Pribilehiyo na mabigyan ng entablado para isulong ang ating hangarin. Tuloy-tuloy na po ito, di tayo titigil hangga't may katarungan para sa lahat ng Pilipino, mahirap man o mayaman.

Abe Diokno
What have you done to serve the Filipino people?

Matagal na rin po akong tumutulong sa mga nangangailangan at mga mahihirap sa ating bayan. Bilang isang human rights lawyer, ako po ay naging boses ng mga guro, mga estudyante, mga manggagawa, mga mangingisda, at iba pang sektor ng ating lipunan. 'Yun bang tinatawag nilang, mga nasa laylayan ng lipunan. Bilang isang abugado, nakikita ko mismo 'yung mga problema po ng ating mga kapatid na nangangailangan. At 'yung isang pinakamalaking problema nila, ay hindi patas ang hustisya sa atin. Alam naman natin lahat, 'pag may sala dapat may parusa. Alam naman natin ang mga mahihirap ay dapat may boses sa ating pamahalaan. Pero parang ay hindi naman nangyayari 'yon. Kaya 'yung ipinaglalaban ko sa loob ng husgado, ay kailangan po siguro ay dalhin ko sa ibang arena. Kaya po ako naririto ngayong gabi. Good evening.

Abe Diokno
What changes to labor laws should be passed to end contractualization?

Matagal nang problema itong kontraktwalisasyon, hindi lang sa private sector, pati na rin sa gobyerno. Naalala ko, bago pa lang akong abogado noon, may lumapit sa akin na government employees. Ganoon na nga ang problema. They are treated as casuals, as contractuals, and yet they're serving the government for so long.

Tama lang na tapusin na itong isyu ng endo at kontraktwalisasyon. At hindi lang siya masama sa atin bilang isang ekonomiya kundi sa hustisya din. Yung isyu kasi ng kontraktwalisasyon ay there has to be a fine line drawn between legitimate outsourcing of what are considered non-core services and those that are used by companies simply to cut labor cost. And I hope that this law will address that issue as well.

Pero may isa pang bagay sa ating work force. Yung bagay ng gender discrimination. Yung nagiging problema sa ating kumpanya - hindi lang naman sa pribadong sektor pati sa pampublikong sektor - ng malaking pagkakaroon ng diskriminasyon, lalong-lalo na sa kababaihan at yung mga tinuturing nilang kakaiba, ay dapat ina-address po yan ng ating legislation.

Abe Diokno
Courtesy Call sa Tuguegarao City Hall

Maraming salamat kay Acting Mayor Hon. Vice Mayor Bienvenido De Guzman II, City Administrator Atty. Romeo Calubaquib, mga City Officials at lahat ng empleyado ng Tuguegarao City Hall.

Abe Diokno
Statement sa Murder Conviction ng Caloocan Pulis sa Pagpaslang kay Kian Delos Santos
46948124_1101224300047581_6009535033885327360_o.jpg

Ang desisyon ng Caloocan RTC ay maituturing isang tagumpay, ngunit di parin sapat ang paghatol sa mga pulis na nagkasala sa pagpaslang kay Kian delos Santos. Ang kabuuang sistematikong pagpatay ay dapat nang wakasan, at ang mga namumuno sa pagpapatupad nito ay kinakailangang panagutin sa batas. Ang katarungang nakamit ng pamilya delos Santos ay karapatdapat ding makamtan ng libo-libong pamilyang nagdurusa ang nangungulila dahil sa EJK.

Abe Diokno
Katarungan para sa mga nasawi sa Doña Paz

30 Pasko na ang nakalipas mula nang lumubog ang MV Doña Paz, ang pinakamalaking maritime disaster sa kasaysayan. Isa si Buboy Equipaje sa mga natulungan ni Atty. Chel Diokno at ng Free Legal Assistance Group (FLAG) para makamit ng mga biktima at kanilang mga pamilya ang hustisya sa trahedyang ito. #BosesNgKatarungan

Abe Diokno
Farmers Forum sa Camarines Sur

Mahalaga po para sa akin ang ating mga magsasaka. Batid ko ang paghihirap nila sa araw-araw dahil matagal na panahon din tayong nakipag-ugnayan sa kanila. Learning from them is my weapon as I take this fight against injustice, poverty and corruption. Samahan po ninyo akong ipaglaban ang kanilang kapakanan at karapatan.

Abe Diokno
Laylayan Coalition Launching

Nakakataba po ng puso ang pakikiisa ninyo sa paglulunsad ng Laylayan Coalition sa Daet, Camarines Norte. Salamat po sa mga Bikolanong nagpakita ng suporta sa akin at pito ko pang kasama na lalaban sa pagsugpo ng kahirapan at inhustiya sa ating bayan.

Abe Diokno
Statement on the 9th Anniversary of the Ampatuan Massacre
46498046_1097580480411963_7622654875439988736_o.jpg

Siyam na taon na paghihintay. Makatarungan ba para sa 58 na pinatay at para sa kanilang mga pamilya na hanggang ngayon ay naghihintay ng hustisya?

When time passes, the horror, outrage, and even the pain can become a fading memory. On the 9th year of the gruesome massacre of 58 Filipino journalists — the worst election-related killing in our history — we must never forget this blatant display of impunity.

The murder trial must be concluded as soon as possible. Bigyan natin ng katarungan ang mga Pilipino. Pag may sala, may parusa, mayaman man o mahirap.

Abe Diokno